Wednesday, November 9, 2011

Posted by xjayzier | Category :
"About NS Cube.." --> Facebook Page

Bakit nga ba Next Stereo Cube ang title ng blog na ito?

Kung iyong mapapansin, may kinalaman sa musika ang title ng blog. Syempre, kasi mahilig sa musika ang blogger nito. Ngunit sa dami-dami ng pwede gamiting title eh bakit Next Stereo Cube pa?

Ganito kasi yun, noong bata pa ako mahilig akong makinig ng fm radio lalo na bago matulog. Habang nililipat ko sa ibang station ang radio, napansin ko na umiilaw yung word na "stereo" sa tabi ng station na napili kong pakinggan. Nagtaka ko kung ano ang ibig sabihin ng word na yun kaya kinabukasan nagtanung-tanong ako sa mga kakilala. May ibang hindi alam ang ibig sabihin nun pero mayroon din naman na nagsabi na "radio" ang ibig sabihin nito.

Hindi nagtagal ay nalaman ko ang tunay na ibig sabihin ng "stereo". Ayon sa aking naresearch, ang stereo ay maaaring i-apply sa sound na tinatawag na AUDIO STEREO.




Audio stereo means sound which is divided into two separate channels. These two channels are played back simultaneously via separate speakers. The effect is to create a fuller sound, and provide the ability to mix certain sounds between channels.

Humans normally hear the world via two ears so providing dual sound sources is more realistic, although it does not fully replicate the way we hear.

Some common examples of stereo sound include:
  • Spreading the instruments in a music track from left to right. Often the tom-toms in a drum kit provide great stereo panning, as do some guitar effects.
  • Following the action in a video, e.g. a car speeds across the screen as the audio pans with it.




Ang isang sound o musika ay magiging maganda ang quality kung nasa stereo mode ito dahil animoy may 3D effect tayong napakikinggan.

Kung ating mapapansin:

Noon, usong-uso ang handheld radio na may dalawang speaker.  Imaginin mo ang isang batang lalaki na may nakapatong na radio sa kanyang balikat at nagsasayaw. Tanda mo pa ba yun?

Ngayon, halos kasing liit na lang ng mga daliri natin ang pinanggagalingan ng musika at pwede ka pang makinig ng kahit anung musika na gusto mo, dahil yan sa mp3 player.

Sa panahon ngayon makabago na ang source ng stereo sounds, hindi na sa radio kundi sa hi-tech na mp3 players.

NEXT STEREO - the new generation of sources of sounds and music.

Eh bakit may CUBE?

Haha, wala lang..

Hindi ko ginawa ang blog na ito for musical purposes only, dahil ginawa ko ito for sharing everything. Music inspired lang kaya ganito ang tema ng blog. "Music is my passion!"



- jayzier

0 comments:

Post a Comment